Alkalde ng bayan ng Basud hinikayat ang mga opisyal ng Barangay na pangunahan ang pagsasagawa ng clean- up drive sa gitna ng tumataas na kaso ng dengue

CAMARINES NORTE- Hinikayat ni Basud, Camarines Norte Mayor Adrian Davoco ang mga opisyal ng Barangay na magsagawa at pangunahan ang clean- up drive sa kani- kanilang mga komunidad upang mapigilan ang pagtaas ng mga kaso ng dengue.

Batay kasi sa datos ng Department of Health, pangalawa ang naturang bayan sa Camarines Norte na may pinakamataas na kaso ng dengue na mayroong 25 mula Enero hanggang Hulyo sunod sa Daet na may mahigit 50.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sa Akalde inihayag nito na napaka importante ang pagsasagawa ng malawakang paglilinis  o 3’ o clock habit lalo na sa mga sentrong barangay tulad ng Poblacion.

Mahalaga aniyang sirain ang anumang pinamumugaran ng lamok na nagdadala ng dengue.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Nilinaw naman ng Alkalde na bagamat tumaas ang mga kaso ng dengue ay wala naman umanong nangyayaring clustering of cases.

Ang bagay umanong ito ay kanilang napag usapan sa Inter local health zone na ginanap kamakailan.

Payo nito sa mga Barangay na huwag nang hintayin na magkaroon ng clustering of cases bago kumilos.