Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na maglalabas na ang Supreme Court (SC) ng kanilang desisyon sa lalong madaling panahon, kaugnay sa petisyon na magdedeklara bilang unconstitutional ang Republic Act No. 11935 na nag-uutos para sa pagpapaliban sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, na batay sa kanilang monitoring, inihayag umano ng punong mahistrado na una nilang hahawakan ang mga kaso na mayroong national interest na kinabibilangan sa BSKE postponement.
Mababatid na sa petisyon na inihain ni election lawyer Romulo B. Macalintal, sinabihan nito ang SC na ang kapangyarihan na ipagpaliban ang halalan ay pasok sa exclusive jurisdiction ng Comelec.
Binigyang diin ni Macalintal na bagama’t nagbibigay ang Konstitusyon sa Kongreso ng kapangyarihan na tukuyin o i-fix ang term of office ng mga barangay officials, hindi naman umano nagbibigay ang Konstitusyon sa Kongreso ng kapangyarihan na ipagpaliban ang barangay elections o palawigin ang term of office ng mga barangay officials.
