Triplets sa USA, naitalang may pinaka-mahabang pagitan ng kapanganakan

NAITALA sa Guiness World of Records ang may pinaka- mahabang pagitan ng kapanganakan ng isang triplets sa Missouri, USA sa pagitan ng 17 days, 18 hours, at 55 minutes.

Ang triplets ay kinilalang sina Lorne, Issac, at Sullivan mga anak nina Kara McBurney at Scott McBurney.

Si Lorne ang una sa tatlo na inilabas ni Kara noong September 20, 2004 makalipas naman  ang dalawang linggo October 8, ay sumunod na sina Isaac at Sullivan sa kanilang kapatid .

Ayon kay Kara, ipinaganak na premature ang kanyang  triplets kaya  napagpasiyahan ng kanyang doctor na si Lorne na muna ang kanyang isilang dahil sa hindi na nilang kayang pigilan ang paglabas nito.

Habang iwan naman sa kanyang sinapupunan ang dalawa pang natitirang kambal hanggang kaya nila, dahil ito umano ang mas makakabuti para sa kanilang kalusugan.

Si Kara ay bedrest at nanatiling buntis ng karagdagang pang 18 araw bago dumating ang oras nang kanyang muling pagsilang para sa natitira pa niyang  dalawa kambal. 

Dagdag pa ni Kara na alam niyang mahirap at komplikado ang ginawa niyang pagbubuntis dahil hindi umano kaya ng kanyang katawan na magdala ng tatlong sanggol ng sabay-sabay.

Matapos ang buwis buhay na panganganak sa kanyang tatlong kambal ay sa awa ng diyos ay nailabas ni Kara ang triplets ng naayon.

Nanatili pa ng 77 na araw ang tatlong magkakapatid sa loob ng NICU bago sila idinischarge ilang araw bago ang kapaskuhan.  

Ngayon ang mag-asawa ay masaya sa kung anong narating ng kanilang mga anak at mga bagay na nalampasan nila.###CD