Alkalde ng Legazpi, ipagpapatuloy pa rin ang responsibilidad sa lunsod sa kabila ng pagpapatalsik sa kanya sa puwesto

LEGAZPI CITY – Pormal nang naglabas ng pahayag kahapon ang alkalde ng Legazpi City na si Geraldine Rosal tungkol sa kanyang kinakaharap na disqualification case na inilabas ng COMELEC 2nd Division dahil sa umano’y paglabag sa spending ban.

Ayon kay Rosal, ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang responsibilidad bilang alkalde ng lunsod kahit mayroong kasong isinampa sa kanya dahil hindi pa naman ito final at executory.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Paglilinaw nito, ang cash assistance ay bahagi ng mga lehitimong programa ng kanilang LGU.

Aniya, ang mga pay-out, na nangyari noong Marso 31 at Abril 2 ng taong ito ay pagpapatuloy lamang ng mga nakaraang batch na inilunsad bago pa man ang campaign period.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Nanindigan ang opisyal na magsasampa ito ng motion for reconsideration sa COMELEC en banc. Kung babalikan, nitong nagdaang buwan, diniskwalipika rin ng COMELEC 1st division ang kanyang asawang si Albay Gov. Noel Rosal dahil sa pagbabawal sa paggastos na kinasasangkutan ng parehong cash assistance program.