COMELEC, tiniyak na po-protektahan ang identity ng mga vote-buying complainants

Tuloy ang apela ng Commission on Elections sa publiko na ituloy ang mga reklamong ihahain laban sa mga pulitikong bumibili ng boto.

Sa pulong balitaan, sinabi ni COMELEC Commissioner Aimee Ferolino, na siya ring namumuno sa itinatag na Task-Force Kontra Bigay, na hindi dapat matakot ang mga complainant na maghain ng kaso para sa mga vote buyers.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Aniya, ikakaloob sa kanila ang immunity, at makasisiguro ang mga complainant na po-protektahan sila ng batas, at ng mga law enforcers.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Bago ito, una nang kinumpirma ni Ferolino na nakatanggap ang kanilang task-force ng samu’t-saring ulat ng vote buying mula sa iba’t ibang mga lugar sa Pilipinas.

Pinaatasan na rin ang Philippine National Police na tumulong sa paghahain ng mga kaso sa mga ito.
#