Umaasa si Interior Secretary Eduardo Año sa susunod na administrasyon ng Gobyerno na ipagpapatuloy nito ang ilang mga programang nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Kalihim, mas makabubuti aniya kung magkakaroon ng follow-up sa mga efforts ng Duterte admin kabilang na ang kampanya laban sa iligal na droga, at ang mas pinaigting na mga hakbang kontra kriminalidad.
Umaasa rin sin Año na mas paiigtingin pa ang mga hakbang para masugpo ang insurhensiya ng mga makakaliwang grupo at ang pagpapalakas sa kapangyarihan ng mga LGUs na makapagbigay-lingkod sa publiko.
Sa ngayon, inihahanda na raw ng buong DILG ang mga makinarya nito at ang sapat na transition para sa susunod na administrasyon, at magiging kalihim ng Kagawaran.

Sa kabila nito, naniniwala si Año na masiyado pang maaga para magkaroon ng transition efforts kay dating MMDA chairman Benhur Abalos.
Mababatid na si Abalos ang planong italaga ni presumptive president Bongbong Marcos bilang kalihim ng DILG sa oras na ito ay maupo.
#