Inihayag ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) na bumabalangkas na sila ng panuntunan para maisama ang gastos ng mga kandidato sa social media sa kabuo-ang campaign expenses nito.
Ayon kay Comelec Commissioner Rowena Guanzon pinagpa-aaralan pa nila ngayon kung paano mako-compute ang mga campaign ads sa social media paltforms tulad ng facebook at twitter.
Aminado si Guanzon na sa ngayon nahihirapan silang maregulate ang paggamit ng social media sa pangangampanya ng mga kandidato.
Wala din umano silang teknolohiya sa ngayon para ma-kwenta ang mga ginagastos ng mga kandidato sa social media.
Samantala kasabay nito sinabi ni Guanzon, na para sa 2022 Elections, lahat ng gagastusin ng kandidato sa pangangampanya pagkatapos ng filing ng COC nito sa Oktubre ay isasama sa campaign ads expenses nito sa halip na sa pagsisimula ng campaign period.