Comelec, OKs overseas internet voting para sa 2025 polls

Aprubado na ng Commission on Elections ang Overseas internet voting para sa 2025 national at local elections.

Dahil rito, ayon kay Comelec Chairman George Garcia, inaasahan nila ang mataas na overseas voter turn out.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Sa pamamagitan ng naturang mode, maaaring gamitin ang electronic mail, web-based portals at iba pang internet-based technologies.

Taong 2012 nang unang hilingin ng Comelec sa Kongreso ang pagpasa ng batas na magpapahintulot sa mga OFWs na bumoto sa pamamagitan ng internet.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Noong June 2021 nang lagdaan ng poll body ang isang kasunduan sa tatlong solutions providers para magsagawa ng live test run ng internet voting systems.//CA