COMELEC, nirerespeto ang desisyon ng Korte Suprema na sa 2025 na ang susunod na BSKE

Nirerespeto ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagbasura ng Korte Suprema sa kanilang motion for reconsideration na hinggil sa gaganaping Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa 2026.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ibig sabihin, ilang buwan lamang matapos ang midterm elections ang susunod na BSKE sa December 20, 2025.

Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, gagawin ng ahensya ang makakaya upang matuloy ang susunod na barangay election.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Aniya, kailangan ng ahensya ng P20B na preparatory budget para sa automated na BSKE.