Naging matagumpay ang isinagawang bilateral meeting sa Malacañang nina Pangulong Bongbong Marcos at Timor-Leste president José Ramos-Horta.
Tinalakay ng dalawang lider ang mga pamamaraan para palakasin pa ang kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang mga larangan kabilang na sa technical, political, educational, at economic partnerships.
Samantala, inimbitahan naman ni Horta si Marcos na bumisita rin sa Timor-Leste.
Wi-nelcome naman ni Marcos ang imbitasyon ng Timorese president at idiniing makatutulong ito sa relasyon ng dalawang bansa.
Nagpsalamat din si Horta sa suporta ng Pilipinas sa membership ng Timor-Leste sa ASEAN.