Comelec, nakatakda nang ilunsad ang ‘register everywhere’ drive sa limang malls sa NCR

Inanunsyo na ng Commission on Elections (COMELEC) ang limang malls sa National Capital Region na gagamitin sa “register everywhere” drive.

Ang mga ito ay kinabibilangan ng Mall of Asia, SM Fairview, SM South Mall, Robinsons Galleria, at Robinsons Place Manila.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ayon kay COMELEC spokesperson Atty. Rex Laudiangco, sakaling hindi pa rehistrado pero nakatira sa Metro Manila at nais pa ring bumoto sa ibang malalayong munisipyo, maaaring magparehistro sa anywhere booth.

Dagdag ni Laudiangco na ang thumbprints at biometrics ay gagawin sa nasabing booth at isusumite ng Comelec sa mismong munisipalidad ng botante.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ang naturang kampanya ay beneficial para sa mga mag-aaral at workers sa Maynila na hindi kayang makauwi sa kani-kanilang probinsya para makapagparehistro.

Ang “register anywhere” drive ay magsisimula sa December 17, 2022 hanggang sa January 25, 2023.