DBM, inilabas na ang P2.02-B sa Philhealth para sa healthcare insurance ng mga indigent members

Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang P2.02 billion bilang subsidiya para sa health insurance ng mga indigent members.

Ito ay matapos aprubuhan ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang release ng Special Allotment Release Order (SARO) kung saan kabilang ang natitirang 673,965 indigent members sa ilalim ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR).

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Sa isang pahayag, sinabi ni Pangandaman na masaya silang ibalita na bago matapos ang taon, kinaya nilang i-cover ang natitirang subsidiya para sa health premium ng mga Pilipino.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Dagdag pa niya, ito na rin ang kanilang paraan upang ipakita na sinusuportahan ng DBM ang hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagbigay ng abot-kayang health care sa mga Pilipino.