NAGA CITY –Simula na sa araw na ito ang opisyal na pagkampanya ng mga kandidato sa Barangay at SK Elections na kung saan sa Naga City may halos 160,000 ang mga inaasahang boboto.
Sa record ng COMELEC-Naga, umabot sa 120,685 ang inaasahang boboto sa regular na mga botante, samantalang sa SK naman ay may na irehistrong botante na 38,027.
Ang mga ito ay siyang ookopa sa 329 clustered precints ng lungsod.
Kahapon, may mga kandidato ang nagsadya at nakipag-usap kay Atty. Maico Julia Jr.,Comelec officer ng Naga City, ilang isyu ang nilinaw ng mga ito lalo na sa paglalagyan ng kani-kanilang mga campaign materials.
Sa panayam naman ng Brigada News FM Naga kay Atty. Julia, sinabi nitong wala silang tigil sa pagbibigay ng impormasyon at paalala sa mga kandidato, para makaiwas ang mga ito sa anumang violations, bagamat marami na silang pinadalhang show cause order.
Ayon kay Julia, mayoriya sa magiging common poster area ay ang malapit at paligid lamang ng barangay hall, sa mga boundary ng bawat bawat barangay ,malapit sa mga elementary schools, at sa pribadong lote.
Hindi anya maiiwasan ang anumang violations, kaya tinitiyak nina Julia na makakatanggap pa sila ng mga reklamo.