COMELEC Naga maghahanda na sa mangyayaring panibagong voter’s  registration sa pagbubukas ng taong 2024  

NAGA CITY – Magiging abala na namang ang Commission on Election sa pagbubukas ng taong 2024 para sa voter’s registration na magsisimula sa Pebrero ,ito’y bilang paghahanda na naman sa mangyayaring national at local elections sa taong 2025,pati na rin ang pagtanggap naman nila ng certificate of candidacy.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Napakadali lang aniya ng panahon at nasa proseso na naman sila ng ganitong calendar of activities ayon kay COMELEC Officer Atty. Maico Julia Jr. na kung saan inaasahan nila mas maraming mga botante na naman ang magpapa-rehistro lalo na ang mga kabataan na nasa 18 taong gulang pataas.

Sa pakikipag-usap ng Brigada News Fm Naga kay Julia, sinabi nitong ang mga menor na magdi-dise otso na sa susunod na voter’s registration ay hindi na kailagan na magparehistro pa, dahil sa “carry over”  na lang nila ang pangalan ng mga ito.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Mas marami pa rin ang mga nagpaparehistrong botante kumpara sa mga nagpapa-transfer ng tirahan.