COMELEC – nag-extend ng deadline para sa petisyon laban sa nuisance bets

Iniulat ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-extend ng deadline para sa paghahain ng petisyon laban sa mga nuisance candidates mula Oktubre 14-16, 2024.

Ang extension na ito ay alinsunod sa COMELEC Memorandum na may petsang Oktubre 11, 2024, at Memorandum Circular No. 66 ng Office of the President hinggil sa suspensyon ng trabaho sa mga lungsod ng Maynila at Pasay sa Oktubre 14 at 15 ngayong taon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon sa ahensya, pinag-utos ito ng Malacañang na suspindihin ang trabaho ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa mga naturang lugar para bigyang-daan ang Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR).

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ang nasabing event ay inaasahang magdudulot ng pagdami ng biyahe ng mga kalahok.