DOT at DILG, isinasaayos na ang 24/7 Tourist Court

Isinasaayos na ng Department of Tourism (DOT) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagtatatag ng 24/7 tourist courts sa mga pangunahing destinasyon.

Read More:  Senators seek review of impeachment threshold for VP Sara Duterte

Ito ay upang mapabilis ang pagresolba ng mga insidenteng may kaugnayan sa mga turista.

Kasama sa pagpapatupad ang pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) upang masigurong mabilis ang aksyon sa mga kasong sangkot ang mga turista.

Read More:  Palace says Marcos had no power over Bonoan case drop

Magbibigay din ng pagsasanay ang DOT sa mga barangay tanod at barangay intelligence network bilang police multipliers.