Prime Minister ng Japan, nais ng mas malalim na kooperasyon sa Pilipinas

Nais ni Japan Prime Minister Ishiba Shigeru ang mas malalim na kooperasyon sa gobyerno ng Pilipinas.

Ito ay kasunod sa natapos na pagpupulong sa ASEAN Summit sa Laos.

Hinikayat ni Shigeru ang mas malapit na kooperasyon sa bansa sa gitna ng lumalalang seguridad sa rehiyon.

Read More:  Tolosa says impeachment conviction could bar Sara Duterte from 2028 race

Ayon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nais niyang palakasin pa ang ugnayan ng dalawang bansa, pati na rin ang kooperasyon sa pagitan ng Japan, US, at Pilipinas.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Kaugnay nito, pinagtibay ng dalawang lider ang kanilang commitment sa maagang pagpapatupad ng Reciprocal Access Agreement na nilagdaan noong Hulyo.

Sa huli, tinalakay rin nina Marcos at Ishiba ang kooperasyon sa larangan ng economic security at agricultural technology.