CAMARINES NORTE – Itinakda ng Commission on Elections hanggang sa Agosto 1 ang pagpapaskil ng Posted Computerized Voter’s List (PCVL) bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.
Noong mga nagdaang araw ay puspusan ang printing ng mga Comelec Offices sa lalawigan ng PCVL at Election Day Computerized Voter’s List (EDCVL).
Ang PCVL at EDCVL ay sinesertipikahan ng Election Registration Board (ERB) bago i- post.
Ang Comelec sa bayan ng Basud ay magsisimulang mag post ng PCVL ngayong araw, July 27.
Batay sa calendar of activities ng Comelec magsisimula ang election period sa August 28 at sisimulan na ring pairalin ang gun ban.
Mula August 28 hanggang September 2 ang filing ng certificate of candidacy.
Bawal pa ang pangangampanya mula September 3 hanggang October 18.
Magsisimula naman ang campaign period sa October 19- 28 at ipagbabawal na ang pangangampanya sa October 29 hanggang 30 kung kailan ipapatupad na rin ang liquor ban.
Sa mismong araw ng eleksyon sa October 30 ay magsisimula ang voting hours mula alas 7 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon. Sa tala ng Comelec nasa 537, 317 ang total registered voters sa lalawigan. Sa bilang na ito 392, 980 ang regular voters habang 144, 337 naman ang sa SK.
