CAMARINES NORTE – Inihayag ng Commission on Elections na kasama sa plano nito ang pagsasagawa ng satellite registration sa mga bilangguan upang mairehistro ang Persons Deprive of Liberty o PDL.
Ayon kay Election Officer IV Virgilio Veras magkakaroon sila ng schedule para dito partikular sa Labo District Jail na nasa pamamahala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ito aniya ay upang mabigyan din ng pagkakataon ang mga nakakulong na wala pang pinal na hatol na makapagparehistro at makaboto.
Dahil walang register anywhere program (RAP) ang bayan ng Labo ay maaaring mag- transfer muna ang isang PDL na mula sa ibang bayan sakaling abutin ang mga ito sa naturang pasilidad ng hanggang May 2025 national and local elections.
Nakipag ugnayan na rin umano si Veras sa Sangguniang Kabataan Liga President ng Labo para magsagawa rin ng special satellite registration for youth.
