COMELEC, ipauubaya na sa SC ang desisyon sa bagong petition vs BBM

Ipinauubaya na ng Commission on Elections sa Korte Suprema ang magiging aksyon nito sa inihaing petisyon na layong ipatigil ang bilangan at proklamasyon ni presumptive president Bongbong Marcos.

Ayon kay COMELEC acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, hangga’t wala pang opisyal na order na magmumula sa Supreme Court, tuloy pa rin ang nakatakdang bilangan ng Senado at Kamara na magco-convene bilang National Board of Canvassers sa presidential at vice presidential race.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Aniya, may kapangyarihan ang Supreme Court na ipahinto ang bilangan ng NBOC ng Kongreso – ngunit hangga’t wala pa ito ay tuloy pa rin ang trabaho at canvassing.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Inihain ang petisyon sa pangunguna ni dating Supreme Court spokesperson Theodore Te.

Sa ilalim nito, ipinapanawagan sa Korte ang pag-iisyu ng temporary restraining order sa bilangan ng NBOC na nakatakda sa May 23.

Mababatid na mayroon nang inihaing petisyon sa COMELEC para kanselahin ang COC ni Marcos ngunit ito ay binasura rin.
#