Cebu Pac, humingi na ng paumanhin kay VP Leni

Humingi na ng paumanhin ang isa sa mga opisyal ng Cebu Pacific hinggil sa pagpo-post ng isa nilang piloto kung saan ay inaakusahan si Vice President Leni Robredo na naging dahilan ng flight delay.

Sa naturang post, sinabi na nag-request umano si Robredo ng priority landing sa NAIA na nagresulta flight diversions.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Ayon kay Captain Sam Avila, Vice President for Flight Operations ng Cebu Pacific Air, umamin na umano ang naturang piloto na wala itong basehan sa kanyang mga akusasyon sa Vice President.

Read More:  NGCP: stable power services in Mindanao following earthquake

Aniya, bagamat nirerespeto nila ang freedom of expression lalo na sa kanilang mga piloto, hinihikayat pa rin nila na maging responsable ang mga ito sa pagllabas ng mga pahayag.

Sa ngayon, inaaral na nila ang mga posibleng disciplinary actions laban sa piloto.
#