DOJ, naobserbahan ang steady rise ng online child sexual abuse sa Ph

Naobserbahan ng Department of Justice (DOJ) ang steady increase sa online sexual exploitation sa mga bata sa bansa.

Ayon kay DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano, na ang consistent at sharp rise sa bilang ng IP addresses para sa Child Sexual Exploitation (CSE) na nauugnay sa Pilipinas ay napansin mula sa 2,326 IP addresses noong 2014 sa 4,872 noong 2017.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Maliban dito, nakatanggap din umano ang Pilipinas ng mahigit walong beses na referrals, matapos tukuyin ang bansa ng global law enforcement case data.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Dagdag ng DOJ, na batay sa Anti-Money Laundering Council (AMLC), mayroong 130% increase sa Suspicious Transaction Reports (STRs) na kinasasangkutan ng online sexual abuse or exploitation of children (OSAEC) mula 2019 hanggang 2020.

Mula naman sa 19,013 STRs na may kaugnayan sa OSEC noong 2019, sinasabing domoble ito sa 47,937 noong 2020. //MHEL PACIA