CAMARINES NORTE- Isinagawa ang sending off activity sa mga volunteer ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV sa iba’t- ibang parokya ng Diocese of Daet noong weekend.
Hudyat ito ng pagsisimula ng kanilang gagampanang responsibilidad ngayong Halalalan 2022
Nasa mahigit kumulang 2, 500 ang PPCRV volunteers mula sa iba’t ibang parokya na magbabantay upang masiguro ang isang CHAMP o Clean, Honest, Accurate, Meaningful at Peaceful Election.
Binasbasan ng kani- kanilang Kura Paroko ang mga volunteer para sa proteksyon, guidance, maayos na kalusugan, katapangan, lakas at karunungan sa pagtupad ng kanilang gampanin.
Ito na rin ang hudyat ng deployment ng mga ito sa iba’t- ibang polling precinct ngayong araw.
Maglalagay ng Voters Assistance Desk ang PPCRV sa mga voting center para mag assist sa mga botante lalo na ang mga hindi pa alam kung saang presinto boboto.
Mayroon ding coordinator, roving at medical team at ang mga maghahanda ng pagkain na nasa command center ng bawat parokya.
At ang pinaka importante umano ay ang prayer warriors na habang ang ibang volunteer ay nasa labas mayroon namang maiiwan sa simbahan na magdadasal para isang mapayapang halalan.
Ang Diocesan Command Center ng PPCRV na siyang accredited citizens arm ng Commission on Elections ay matatagpuan sa Paroquia De San Juan Bautista sa Daet.
(Photos Courtesy: DSAM)
