Hinimok ng Commission on Elections ang mga botante na huwag nang hintayin ang mismong araw ng eleksyon sa May 9 para alamin kung saang presinto boboto.
Ito umano ay upang maiwasan ang abala at iba pang mga aberya.
Ayon kay Basud, Camarines Norte Election Officer Virgilio Veras dati na nilang pinaalalahanan ang mga tao sa pagtungo nila sa mga barangay para sa voters education na alamin agad kung ang kanilang pangalan ay kasama sa listahan ng mga botante.
Mayroon na umanong Posted Computerized Voters List (PCVL) ang Comelec sa kada barangay.
Namahagi na rin ng Voters’ Information Sheets (VIS) ang Comelec at nakalagay dito kung saang presinto boboto.
Ani Veras ina- address na ng Comelec ang mga bagay na ito upang masigurong magiging maayos at maiwasan ang mga aberya sa araw ng halalan.