LEGAZPI CITY – Nilinaw ng Commision on Elections (COMELEC) Bicol ang pamantayan sa pagpapatupad ng operasyon “Oplan Baklas” sa rehiyon. Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay COMELEC Regional Director (RED) Atty. Rafael Olaño na tatanggalin ang campaign paraphernalia sa pampublikong lugar na hindi sumunod sa itinakdang pamantayan na komisyon ukol dito.
Aniya, tanging mga campaign poster na may sukat na 2ft by 3ft lamang ang papayagang maipaskil sa mga itinalagang common poster areas na itinalaga ng mga election officers.
Papayagan naman ang mga taga-suporta ng mga kandidato na ipaskil sa kanilang mga bahay at mga private property ang naturang mga posters basta’t sumusunod ito sa tamang sukat na itinakda ng kagawaran.
Ito ay matapos ng pinalabas ng korte suprema na temporary restraining order na inuuutusan ang tanggapan na huwag ipatupad ang pagbabaklas ng mga campaign paraphernalia, poster, billboards na naka lagay sa private property .
Dagdag pa nito, kung funded ng private individual ang campaign poster mapa lokal man o nasyunal na kandidato, hindi ito babaklasin ayon sa pamantayan ng korte suprema.