COMELEC Bicol nagsagawa ng paghahanda para sa nalalapit na halalan sa Mayo                                                                    

LEGAZPI CITY – Naghahanda na ang Commission on Election (COMELEC) Bicol sa pagsasagawa ng guidelines at protocols na ipapatupad sa darating na halalan.

Ayon kay Comelec Regional Director Atty. Rafael B. Olaño, magpapalabas ng print certified voters list na gagamitin sa labas ng voting center at opisina ng comelec, upang mapadali ang paghanap ng mga pangalan ng botante sa presinto o classroom.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Aniya, magrerecruit din ng poll workers na tutulong sa pagfacilitate kaagapay ang election registration board, comelec staff at department of education support officials.

Dagdag pa ni Olaño magsasagawa rin ng training sa susunod na buwan ang mga comelec staff sa paghanda ng balota at iba pang gagawin sa halalan.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Paalala ng tanggapan ang pagsunod ng proper safety guidelines at safety protocols ay para maiwasan ang magkahawaan ng sakit na covid 19 habang isinasagawa ang botohan sa loob ng presinto.