Alegasyon ng dating miyembro ng DDS, muling pinabulaanan ni Sen. Go

Nangako si Senador Bong Go na ni minsan ay hindi siya inutusan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na gumawa ng anumang bagay na labag sa batas.

Inilabas ang pahayag ni Go matapos iugnay ang senador sa kilalang grupo ng retiradong pulis at dating Davao Death Squad hitman na si Arturo Lascañas.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Isa aniya si Go sa inatasang kumuha ng listahan ng mga target ng Davao Death Squad, na pinandigan nitong ni minsan ay hindi niya nakita.

Depensa pa ng senador, purong kasinungalingan at gawa-gawa lamang ang sinabi ni Lacasanas dahil hindi kailanman nagbigay ng ganitong kautusan si dating Pangulong Duterte.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Kasunod nito ang pagtanggi ni Senator Bato dela Rosa sa mga alegasyon rin ng retiradong pulis, at ang paghamon ni Vice President Sara Duterte na kasuhan siya sa korte ng Pilipinas hinggil sa mga akusasyon.