Cold tuba juice sa Tinambac, Camarines Sur, patok ngayong tag-init

CAMARINES SUR –  Wave  goodbye na sa tag-init dahil sa bayan ng Tinambac, sa Partido Area, patok na patok ang malamig na Tuba Juice ngayong mainit na panahon.

Ayon kay Arjay Borbe, isa sa mga anak ng may ari ng produktong  pinuproseso mismo nila, ang mga ito ay hindi nakakalasing at fresh from the tree kung matitikman sa kanilang farm. Wala ring tapon, dahil kapag hindi naubos ay pwedeng i-preserve at maging suka.

Ang Cold Tuba Juice ay ang pangunahing produkto ng Mang Elyo Integrated Farm sa Barangay San Ramon, Tinambac Camarines Sur, gawa ito mismo sa purong katas ng tubá o bulaklak ng niyog, inilalagay sa refrigerator o hindi kaya pinu-frozen upang mapigilan ang pag-asim nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *