Coast Guard personnel sa Camarines Norte halos 100 porsiento nang bakunado

CAMARINES NORTE- Halos isang daang porsiento ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa lalawigan ng Camarines Norte ang fully vaccinated na kontra COVID- 19.

Ito ang inihayag ni CG MCPO Danilo Dela Cruz, Acting Station Commander ng Coast Guard Station sa lalawigan ng Camarines Norte sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon kay Dela Cruz, sa dalawamput anim na personnel  nila ay tatlo na lang ang hindi pa nababakunahan na naka- schedule na rin sa susunod na linggo.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aniya, kahit sa dagat ang kanilang mandato ay wala rin namang  pagkakaiba ang exposure nila sa ibang uniform personnel kaya’t importante umanong mabakunahan sila lahat.

Iba’t ibang tao rin kasi umano ang kanilang nakakasalamuha kaya’t kailangan nila ng proteksyon.

Sa katunayan, mayroon umanong personnel ang Coast Guard partikular ang Port State na expose sa virus dahil ito ang nag iinspeksyon sa mga foreign vessel kasama ng Bureau of Customs at ng Bureau of Quarantine.

Read More:  Drunk man allegedly sets own house on fire in Cebu

Umapela rin si Dela Cruz sa mga hindi pa bakunado na magpabakuna na lalo’t hinahanap na umano ngayon ang vaccination card lalo na kung magtutungo sa ibang lugar.

“Dapat po talaga mabakunahan sila kasi po nire- require po kasi sa ibang mga lugar na yung vaccination card hinahanap nila yan eh, kaya kung hindi sila vaccinated hindi sila makagawa o makapasyal, kailangan talaga yung  vaccaination card,” ani Dela Cruz.