Inutusan ng Commission on Audit ang Securities and Exchange Commission na i-refund ang mahigit ₱92.7 million pesos irregular salaries na natanggap ng mga opisyal at empleyado nito.
Dinenay ng COA ang motion for reconsideration na inihain ng SEC at ng dating chairperson nitong si Atty. Theresa Herbosa at pinagtibay with finality ang notice of disallowance na unang inilabas noong 2014.
Tinawag ng pansin ng mga state auditors ang SEC sa salary increase na ibinigay sa mga opisyal at empleyado nito noong 2012 nang walang pag-apruba mula sa Office of the President.
Tungkol naman sa pananagutan, sinabi ng COA na ang lahat ng mga public officials na responsable sa illegal expenditures gayundin ang mga aktwal na nakatanggap ng halaga ng sweldo ay kasama sa refund.
Ayon pa sa desisyon, hindi nakumbinsi ng COA ang invocation of good faith sa bahagi ni Atty. Herbosa at nag-apruba o nagbigay pahintulot na mga opisyal ng SEC.
