Rank no. 5 municipal most wanted person ng Bacacay, Albay, arestado sa dalawang bilang ng kasong panghahalay

Arestado ang Rank No. 5 Municipal Most Wanted Person ng Bacacay, Albay sa Purok 3, Brgy. Panarayon ng nasabing bayan dahil sa dalawang bilang ng kasong rape.

Kinilala ang suspek na si alyas “Michael”, 43 anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Ayon sa report, umaga nang isilbi ng mga kapulisan ang warrant of arrest na pirmado noong Oktubre 29, 2022 dahil sa nabanggit na kaso.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Wala ring inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon nasa kostudiya na ng himpilan ang akusado para sa kaukulang disposisyon.