Siniguro ni House Appropriations Committee chairperson AKO-Bicol party-list Rep. Elizaldy Co na ‘pro-people’ at ‘pro-development’ ang ginawang mga amendments ng Kamara para sa P5.268 Trillion na National Budget para sa taong 2023.
Sa isang pahayag, sinabi ng mambabatas na kumpyansa siyang ang mga ginawang amendments ng Senado at Kamara sa bersyon nila ng General Appropriations Bill o GAB ay higit na makatutulong para sa mga Pilipino.
Kabilang na aniya rito ang ilang mga pondo na inilaan para masigurong mabilis na makare-rekober ang ating mga kababayan mula sa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Inisa-isa ni Co ang mga probisyon sa budget na makatutulong para sa post-pandemic recovery kabilang na ang mga ayuda programs sa mga indigent individuals, pensyon sa mga senior citizens, at mga livelihood programs.
Kabilang din sa mga nilalaman ng panukala para sa budget ay ang inilaang mga pondo para sa libreng sakay programs, fuel subsidies, at iba pang mga proyektong nakatoon sa pagpapabuti ng public transportation.
Sa huli, sinegundahan ng mambabatas ang naging pahayag ni House Speaker Martin Romualdez na mabilis na maisasapinal ng Senado at Kamara ang 2023 National Budget.
#
RELATED STORIES:
