Isasagawa sa December 2 ang paglilibing ng bagong batch ng deceased persons deprived of liberty (PDLs) ayon kay Bureau of Corrections officer-in-charge Gregorio Catapang.
Sa paunang report, inasahang nailibing na ang hindi bababa na 60 inmates sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Noong nakaraang Biyernes, 60 sa 176 na PDLs ang nananatiling “unclaimed” sa Eastern Funeral Services.
Samantala, kinumpirma ni Catapag na nasa 40 na mga bangkay ang hindi mapapasama sa mass burial upang sumailalim sa imbestigasyon ng kanilang ikinamatay.
Ayon sa officer-in-charge, dadaan sa autopsy ang 40 na bangkay, at iniintay pa nila ang pamilya ng mga namatay kung ike-claim ang bangkay o hindi.
Handa naman daw makipagtulungan at magbigay ng impormasyon ang NBP tungkol sa kontrobersyal na pagkamatay ng mga PDLs, na noong una ay sinabing namatay dahil sa COVID-19.
#
RELATED STORIES:
