Malayo na ang narating ng modernisasyon ng Philippine Navy.
Ito ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kasabay ng pormal na pagkomisyon sa serbisyo at pag-send-off ngayong araw ng pinakabagong Acero-class patrol gunboats, ang BRP Nestor Acero at ang BRP Lolinato To-Ong na gawang Israel.
Ayon kay Bersamin na isa sa mga sumaksi ng send-off ceremony, malaki ang maitutulong ng mga bagong assets sa pagdepensa ng pamahalaan sa mga coastal areas ng bansa laban sa mg teroristang grupo at iba pang ‘lawless elements.
Tinawag din ni Bersamin bilang ‘important milestone’ ito sa Philippine Navy pagdating sa usapin ng sustainable maritime operations.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Philippine Navy Chief Rear Admiral Toribio Adaci Jr. na matutugunan ng dalawang bagong sasakyang pandagat ang hamon sa pagiging isang archipelago ng bansa.
Ang mga naturang fast partol crafts ay kabilang sa unang batch mula sa kabuuang siyam na missile-capable Shaldag Mark V patrol crafts na pinondohan ng sampung bilyong piso.
Samantala, sa bahagi ng West Philippine Sea o katimugang bahagi ng Mindanao ang tinitingnang deployment ng dalawang bagong patrol gunboats.
#
