CAMARINES NORTE- Tumanggap ng parangal mula sa National Library of the Philippines kaisa ang The Asia Foundation ang Provincial Librarian mula sa Wenceslao Q. Vinzons Library ng Camarines Norte
Si Bb. Amelia C. Visitacion ay pinarangalan ng Career and Self-Development Award bilang isa sa mga natatangi at kagalang- galang na mga tagapangasiwa at katiwala ng mga panlalawigan, panmunisipalidad at pambarangay na Aklatan mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas
Ito’y dahil rin sa kanilang mga kahusayan at pagpupursige na maipalathala ang importansya ng Aklatan sa kabila ng pandemya.
Samantala, Sa kasalukuyan ang Sangay na Museo at ang Sangay ng Aklatan sa ilalim ng Tanggapan ng Punong Lalawigan ay magkatuwang sa mga gawaing pangkultura
Habang tiniyak ng pamunuan at mga kawani ng Museo Bulawan at Camarines Norte Provincial Library.na magkahilera nilang papandayin ang isang mataĺino, matatag at matino na pagkatao ng mga Camnorteño sa pamamagitan ng mga sangkap ng karunungan at makabuluhang kaalaman sa disiplina ng kulturang Filipino.
photo courtesy of: Museum Archives, and Shrine Curation Division Information and Education Hub
