CAMARINES NORTE- Nagpaalala ang Camarines Norte Provincial Police office sa lahat ng mga magulang ng mga batang mangangaroling na kung maaari ay gabayan ang kanilang mga anak at huwag pabayaan sa kalye.
Sa ibinigay na mensahe ni CNPPO Provincial Director PCOL Julius Guadamor, dapat alalahanin ng mga magulang ang kaligtasan ng kanilang mga anak dahilan sa nariyan pa rin ang hindi nakikitang kalaban, ito ay ang COVID-19 kung kaya’t maiging ingatan pa rin ang kanilang mga anak upang maiiwas sa sakit
Tiniyak naman ng naturang opisyal na nakatutok ang kapulisan sa pamamagitan ng masigasig na pagpapatrolya lalo na sa gabi ngunit payo nito na maging mapagmatyag ang lahat magbasa at alamin ang mga babala na ipinapaabot ng pulisya at ng iba pang ahensya ng gobyerno pati na ang mga hotline numbers ng himpilan ng pulisya na malapit sa inyong lugar.
Panawagan rin ng opisyal sa mga mamamayan na huwag makampante, at huwag balewalain ang lahat ng babala na ibinibigay ng kapulisan at ng iba pang ahensya ng gobyerno upang lubos ang kasiyahan ng lahat sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
