BICOL—Umaabot na lamang sa 10.38% o 4,842 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol sa kabuuang 46,638 na mga kasong naitala mula nang magsimula ang pandemya.
31 ang mga bagong kasong naitala nitong weekend kung saan 21 noong Sabado at sampo naman kahapon, araw ng Linggo.
Pito sa sampong bagong kaso ay mula sa Camarines Sur kung saan apat ang nadagdag sa Naga City, dalawa sa Nabua at isa sa Calabanga.
Dalawang kaso naman ang naitala sa Sorsogon, mula sa bayan ng Irosin at sa Sorsogon City.
Isa ang bagong kaso sa Albay na mula sa bayan ng Daraga habang zero new case ang mga lalawigan ng Camarines Norte, Catanduanes at Masbate.
Pumalo na sa 40,034 (85.84%) ang recoveries matapos magtala ng 318 na mga bagong gumaling nitong weekend. 218 nito ay noong Sabado habang 100 naman kahapon.
Sa 100 na mga bagong gumaling, 46 ang mula sa Albay, 42 sa Camarines Sur, sampo sa Catanduanes at dalawa sa Sorsogon.
Samantala, pumalo naman sa 1,762 (3.78%) ang death toll dahil sa 12 bagong nasawi na naitala nitong weekend. Walo ang nadagdag noong Sabado habang apat kahapon. Ang apat na ito ay pawang mula sa Albay.
Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### |slm