Naniniwala ang Provincial Health Officer ng Zambales na kailangan nang tutukan ng pamahalaan ang mga programang pangkalusugan ng bansa.
Ito ay maliban pa sa mga infrastructure project na karaniwang pinaglalaanan ng mas malaking pondo ng gobyerno.
Ayon kay Health Officer Dr. Noel Bueno, ang pagkalat ng corona virus disease sa ibat-ibang mga bansa at ang di mapigilang pagtaas ng kaso ng mga nahahawaan ang resulta ng kawalan ng kahandaan.
Suhestiyon ni Bueno, sana ay isabay sa pagpapagawa ng mga kalsada at tulay ang pagpapatayo ng mas maraming medical & research facility, mag-hire ng mas maraming healthcare workers at dagdagan ang mga benipisyo para sa mga ito.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
