CNPH COVID-19 team sinalubong ang buwan ng Oktubre ng may ngiti at pangako ng tuloy-tuloy na pangangalaga at pagseserbisyo sa kabila ng dumadaming kaso ng COVID-19 sa probinsya

CAMARINES NORTE- “Ngiti lang kahit pagod na” , “Walaaang tulugaaaan” at “Tuloy ang laban!” ito ang mga katagang binitiwan ng CNPH COVID-19 TEAM sa kanilang pagsalubong sa pagpasok ng buwan ng Oktubre kasabay ng dumadaming kaso ng COVID-19 sa probinsya

Sa Official FB page ng CNPH COVID-19 TEAM, masayang sinalubong ng mga ito ang pagsisimula ng buwan ng oktubre na may pangako ng tuloy-tuloy pa ding pangangalaga at pagseserbisyo sa kanilang mga kababayang maysakit.

Ayon sa huling anunsyo ng DOH Bicol, ang probinsya ay nananatiling nasa Alert Level 4, pangalawa sa pinakamataas na alert level, nangangahulugan ito na ang mga nakalaang kama para sa mga kaso ay patuloy pa ding nagagamit o “utilized”.  

Sa datos ng DOH, humigit kumulang 862 ang tinamaan ng virus sa buong probinsya noong buwan ng Setyembre Dahilan upang isasailalim sa General Community Quarantine (GCQ) sa buong buwan ng Oktubre ang Camarines Norte base sa anunsyo ng IATF.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ipinaalam din ng mga ito na Full capacity pa din ang CNPH COVID-19 ward.

Ngunit sa kabila nito, hindi alintana ng CNPH COVID-19 Team ang pagod kahit na nagbubuhat ng tangke na mas malaki pa sa kanila at buong giliw na sumasagot at nagpapaliwanag sa mga tawag ng mga gustong magpa-admit

Ayon pa sa mga ito, alam nilang mga frontliners na parte ng kanilang trabaho ang pagsasakripisyo

(photo: CNPH COVID-19 team FB page)