Nanawagan si Sen. Bong Go sa pamahalan at sa ilang kawani ng gobyerno na ipatupad nang maayos ang Clean Air Act.

Ayon sa senador, hindi na raw nasusunod ang mga batas para sa standard ng RA 8749 o Clean Air Act na kung saan isinusulong ang malinis at maayos na air quality sa bansa.
Sabi ni Go – nakaa-alarma daw para sa kalusugan ng maraming Pilipino ang patuloy na paglala polusyon sa Pilipinas.
Labis aniyang naapektuhan nito ay ang mga Pilipinong nakatira sa lansangan.
Paliwanag ng senador, marami daw maaaring makuhang sakit na nagmumula sa air pollution, gaya ng ubo, TB, pneumonia, asthma, at lung cancer. // CHR