Claudia Sheinbaum, unang babaeng Presidente ng Mexico

Naitala ang kauna-unahang babaeng Presidente sa Mexico.

Ito matapos na manalo ni Claudia Sheinbaum sa eleksyon bilang bagong Pangulo ng naturang bansa.

Nakakuha siya ng boto na 58.3% hanggang 60.7% kontra sa kanyang katunggali na si Xochitl Galvez na nakakuha naman ng boto na 26.6% hanggang 28.6%.

Ang pagkapanalo ni Sheinbaum ay isang malaking hakbang para sa Mexico na kilala bilang macho culture at pinipilit pa rin ang mga tradisyonal na gender role.

Si Sheinbaum ay isang climate scientist at dating mayor ng Mexico City. Prayoridad niya ang mga welfare program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *