Dating CHR commissioner de Lima – wi-nelcome ang pagbuo sa ‘superbody’ ni PBBM

Inilarawan ni dating Commission on Human Rights (CHR) commissioner at dating senadora Leila De Lima bilang isang hakbang patungo sa tamang landas ang pagbuo ni Pangulong Bongbong Marcos ng coordinating body o yung ‘super body’ paran tutukan ang pagprotekta sa human rights sa bansa.

Sa isang social media post, sinabi ni De Lima na ang ginawa ng administrasyon ay pagpapakita ng pag-prioritize sa karapatang pantao.

Sa kabila aniya nito, dapat ding i-institutionalize ng body ang feedback at consultation mula sa CHR at human rights NGOs.

Naniniwala ang dating mambabatas na maraming kailangang trabahuhin ang super body.

Dapat na umano itong magsimula sa kanilang mandato sa lalong madaling panahon, pero dapat muna raw itong magtakda ng tamang direksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *