Legazpi CVO, nagsagawa ng pet population control program sa mga alagang aso at pusa

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ang Legazpi City Veterinary Office (CVO) ng Pet Population Control program sa mga alagang aso at pusa katuwang ang Philippine Pet Birth Control Center Foundation (PPBCCF) sa SM Mall Legazpi.

Ayon kay Dr. Emmanuel Estipona, head ng Legazpi CVO, ang nasabing aktibidad ay kasama sa isasagawag paglunsad ng BROD program o Barangay Responsible Owners of Dog.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Layunin ng programa ay ang malimitahan o makontrol ang pag-aalaga ng mga nasabing hayop.

Aniya, hindi lahat ng pet owners ay responsable sa pag-aagala ng mga hayop na nagiging dahilan na pagkakaroon ng aksidente at dog bites.

Binigyan-diin din nito na kailangang maipatupad na ang ordinansa sa lungsod kung saan ang tamang bilang ng mga alagang hayop ay aabot lamang sa tatlo, ngunit maaaring lumagpas sa nasabing bilang ng kung ito ay breeders.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Sinabi ng opisyal, mayroong karampatang parusa ang isang pet owner sa oras na ito ay lumabag sa ordinansa kung saan magbabayad ito ng penalidad na P3K.