DOJ at NBI, tututukan ang ‘vote-buying’ incidents sa panahon ng kampanya

Tututukan ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga alegasyon sa umano’y talamak na mga insidente ng pagbebenta at pagbili ng boto ngayong panahon ng kampanya.

Ayon kay DOJ Justice Secretary Menardo Guevarra gagawa siya ng isang grupo mula sa NBI, National Prosecution Service at Public Attorney’s Office upang tulungan ang Commissions on Elections (Comelec) na sugpuin ang mga kandidatong ginagamit ang kanilang pera para bumili ng boto mula sa ating mamamayan.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Dagdag pa ni Guevarra, tutulong din siya sa Comelec-led Kontra Bigay, isang interagency taskforce laban sa vote-buying.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Samantala, nauna ng sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na pakakasuhan niya ang sino mang lalabag sa itinakdang alituntunin ng ahensya ngayong eleksyon.

Matatandaang ilang videos ang lumabas ng mga kandidatong namimigay ng pera sa kanilang pangangampanya, na agad namang dinipensahan ng ilan at sinabing ito’y ayuda mula sa gobyerno na naisabay lang umano sa kampanya. (ARGIE ERGINA)