City price monitoring council nakabantay sa kalidad ng ipinagbibiling karne sa Naga City peoples mall; surpresang pag-inspeksyon itinakda

NAGA CITY – May mga pagkilos na namang gagawin ngayon ang Naga City Price Monitoring Council para matiyak na tama at walang over pricing sa mga pangunahing bilihin, kabilang na rin ang pagtingin sa kalidad ng karneng baboy.

Muling itinakda ang surpresang pag-inspeksyon sa mga meat store o stall bago dumating ang Disyembre, sa peak season dahil sa Christmas at New Year.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kaay City Councilor Jessie Albeus, Chairman ng Consumer Protection sa konseho, sinabi niyang regular naman ang kanilang pagmonitor sa mga prime commodities, na ayon sa kanya nornal naman ang galawan ng mga presyo.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Kung may pagbabago man sa presyo, lalo na sa mga de-lata at asukal ay kakaunti lamang at nananatiling pasok sa budget pa rin ng mga mamimili.

Pagdating naman sa mga karne, tinitiyak nilang galing ang mga ito sa abattoir at may magandang kalidad.