NAGA CITY – Dumami ang mga nagkakaroon o nagkakaso ng Hand, Foot and Mouth Disease sa Naga City.
Kung saan karamihan mga bata ang tinatamaan, pinakabata na ang anim na buwan, dahil na rin sa mahinang immune system.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Dr. Ronnel Mejaro, City Health Epidemiology.
Kung saan isa ang pagdami o volume ng mga tao sa mga nakikitang factor, lalo na’t viral infections ang sakit na kahit sino maaaring hawaan, kung hindi sa pamamagitan ng laway, nahawakan ang taong mayroon nito. Ito ay rushes o sugat na may tubig na hindi makati, at nilalagnat ang natatamaan nito.
Malaking factor din ang mainit o malamig na panahon sa pagpapalala pa ng sakit, na patuloy naman nilang binibigyan ng mga gamot, ointment at iba pa ang mga mayroon nito.
Paalala na rin ng Doktor na ugaliing maging malinis sa katawan.