City most wanted person ng Tabaco, Albay, arestado sa kasong rape at child abuse

LEGAZPI CITY – Nasa kostudiya na ng Tabaco City municipal police station ang City Most wanted person mahauli sa P-7 Brgy. Pawa, Tabaco City sa lalawigan ng Albay dahil sa kasong rape at child abuse.

Kinilala ang akusado na si alyas “Jo”, 40-anyos, isang mangingisda at residente ng P-4 Brgy. Hacienda ng nasabing lunsod.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Ayon sa report, umaga nang maaresto ang akusado at isinilbi sa kanya ang warrant of arrest na pirmado noong Setyembre 7, 2022 sa mga kasong paglabag sa RA 8353 o Anti-Rape Law na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala niyang kalayaan at paglabag sa Section 5 B ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act na may rekomendang piyansa na nagkakahalang P200K.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon.