Citation ticket na inisyu sa mga barangay puwedeng gamitin sa mga lalabag sa liquor ban

SORSOGON CITY – Maaaring gamitin ng mga Barangay ang mga citation ticket na inisyu sa kanila para sa implementasyon ng liquor ban.

Ayon kay SK3 head Arnel Anchinges, dahil lahat ng mga ordinansa at mga polisiya na ipinapatupad sa lungsod ay sakop ng nasabing citation ticket kung kaya ang pag-iisyu nito ay hindi lamang limitado sa mga lalabag sa minimum health protocols kundi maging sa  iba pang panuntunan ng syudad partikular na ang tungkol sa liquor ban.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Kaugnay nito, sinabi ng opisyal na malaking bagay din ito dahil magkakaroon sila ng karagdagang puwersa na kanilang makakatuwang sa pag-implementa ng batas.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Matatandaan na pangunahing layunin ng pagbibigay awtorisasyon ng City-LGU sa mga barangay officials na mag-isyu ng citation ticket sa kanilang mga nasasakupan ay upang maiwasan at mapigilan ang paglabag sa mga minimum health standards partikular na ang hindi pagsusuot ng facemask at faceshield at ang hindi pagsunod sa social distancing.