Church wedding nina Jessy Mendiola at Luis Manzano, isasagawa bukas

Muling ikakasal ang mga aktor na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Feb. 15.

Kinumpirma ni Finance Secretary Ralph Recto ang petsa ng church wedding, na naging rason para ilipat ang nakatakdang pagpupulong ng mga awtoridad sa pananalapi sa Pebrero 14.

Maaapektuhan ng kasal ang pulong ng BSP Monetary Board Policy, isang inaabangang anunsyo para sa banking community.

Noong Feb. 3, kinumpirma ni Jessy na muli silang magpakasal ni Luis sa simbahan.

Ikinasal naman ang dalawa noong Pebrero 21  sa isang civil ceremony sa The Farm sa San Benito sa Batangas.