CHR- mag-iimbestiga na sa harassment ng pulis sa mga reporters sa Pastrana, Leyte

Inilunsad na ng Commission on Human Rights (CHR) ang parallel investigation nito para sa ‘di umano’y pangha-harass ng mag-asawang pulis sa tatlong mga reporters sa Pastrana, Leyte.

Sa isang pahayag, sinabi ng CHR na pinakilos na nila ang kanilang Regional office VIII para magkasa ng hiwalay na imbestigasyon.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Tiniyak din ng tanggapan ang pakikipagtulungan sa mga kawani ng media para masiguro ang kanilang kaligtasan, at ang karapatan nila sa malayang pamamahayag.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Bago ito, una nang nasibak ang mag-asawang sina Staff Sergeants Rhea May Baleos at Ver Baleos.
#